Kung may bigat na dala sa iyong kalooban
Tila 'di na kayang malampasan
Minsa'y nalilito walang masulingan
Puso'y lugmok sa kabalisahan
Sa mga pag-iisa ay nahihirapan
Tigib ng hinaing ang kalooban
Nawawalan ng pagasa dito sa mundo
naghahanap lingap at saklolo
Pumasok ka sa iyong silid at kausapin
Ang Dios ng pag-ibig ay sambahin
Ilapat mo ang iyong pinto at manalangin
At ang pangalan Niya ay sambitin
Ang tuhod at sahig ay paglapatin
Bigkasin ng puso sa lihim
Doon pakilala lahat mong panimdim
Sa Dios na maylalang ka dumaing
Kung lalapit taglay pananampalataya
Nagsisising diwa may pagluha
'Di ka mabibigo sa iyong pagsamo
Mararamdaman sa iyong puso
Pumasok ka sa iyong silid at kausapin
Ang Dios ng pag-ibig ay sambahin
Ilapat mo ang iyong pinto at manalangin
At ang pangalan Niya ay sambitin
Ang tuhod at sahig ay paglapatin
Bigkasin ng puso sa lihim
Doon pakilala lahat mong panimdim
Sa Dios na maylalang ka dumaing
Ang tuhod at sahig pagtagpuin
Saka ka dumaing...
Ama namin...