April 05, 2020

TANGING LIGAYA Angelica Soriano (ASOP TV 5)


Prompter View

Default Black Chroma White Save

Prompter View

Default Blue

I
Lumalakad ng mag-isa
Inaakalang kaya ko na
Dusa’t lungkot lang ang nadama
Tuwa’t galak inaasam
Ng puso kong nagdaramdam
Saan kaya ako nagkulang?

PRE-CHORUS 1
Nang marinig ko ang pagtawag Mo
Sa dating buhay, Oh Dios, Iyong hinango

CHORUS 1
Sa sala ko’y Iyong iniligtas
Ng pag-ibig Mong walang hangga’t wagas
Sa awa Mo ako’y umaasa
Makapiling Ka’y tangi kong ligaya

II
Ngayo’y kasa-kasama na
Mga gabay Mong salita
Liwanag ay aking nakita
Salamat sa pagmamahal
Ang puso ko’y sobrang saya
Ikaw lang ay kumpleto na

PRE-CHORUS 2
Nang tinanggap ang mga katuwiran Mo
Sa aking buhay ngayo’y nagpupuri sa‘Yo

CHORUS 1
Sa sala ko’y Iyong iniligtas
Ng pag-ibig Mong walang hangga’t wagas
Sa awa Mo ako’y umaasa
Makapiling Ka’y tangi kong ligaya

BRIDGE
Dinggin Mo, Oh Ama
Himig ng pagsinta
Paglilingkod sa Iyo
Nawa’y tanggapin Mo

CHORUS 1
Sa sala ko’y Iyong iniligtas
Ng pag-ibig Mong walang hangga’t wagas
Sa awa Mo ako’y umaasa
Makapiling Ka’y tangi kong ligaya

CHORUS 2
Sa sala ko’y Iyong hiniwalay
Nang pag-ibig Mong dalisay at tunay
Ang awa Mo ang aking pag-asang
Sa paraiso Mo’y makapiling Ka

CODA
Ikaw ang ligaya


Fatal error: Uncaught ArgumentCountError: Too few arguments to function mom_posts_share(), 1 passed in /home/bookme08/prompter.rareapps.org/wp-content/themes/child-theme/single.php on line 275 and at least 2 expected in /home/bookme08/prompter.rareapps.org/wp-content/themes/mnews/framework/functions/posts_share.php:2 Stack trace: #0 /home/bookme08/prompter.rareapps.org/wp-content/themes/child-theme/single.php(275): mom_posts_share('http://prompter...') #1 /home/bookme08/prompter.rareapps.org/wp-includes/template-loader.php(77): include('/home/bookme08/...') #2 /home/bookme08/prompter.rareapps.org/wp-blog-header.php(19): require_once('/home/bookme08/...') #3 /home/bookme08/prompter.rareapps.org/index.php(17): require('/home/bookme08/...') #4 {main} thrown in /home/bookme08/prompter.rareapps.org/wp-content/themes/mnews/framework/functions/posts_share.php on line 2