Hipuin Mo, Panginoon ang puso kong nagdaramdam
Ikaw Ama ang may alam kung ako ma'y nasasaktan
Sa gitna ng mga luha at hirap ng kalooban
Pagasa ko at tiwala, Ika'y Dios na mapagmahal
Alaala sa tuwina ang alam Mo'y 'di ko alam
Ang isip Mo ay mas higit kaysa aking kaisipan
Ang nakikita Mo'y di ko nababanaagan
At Ikaw ang may hawak ng buhay at kalakasan
Sinisigaw ng puso ko purihin Ka, aming Ama
Sa Iyo ako nanghahawak sa hirap man o ginhawa
Tulungan Mo lamang ako, lahat aking mababata
Mananatiling lingkod Mo hanggang sa walang hangga
Hiling ko lang Panginoon, h'wag Mo akong iiwanan
Dahil 'di ko makakaya kung ako ay magisa lamang
Ang awa Mo, aking Ama, ang higit kong kailangan
Upang ako ay mahango sa labis na kalungkutan