KAIBIGAN KUMAPIT KA LANG

KAIBIGAN KUMAPIT KA LANG

Kaibigan Kumapit Ka Lang
Composer: Bro Van Barroso

I
Pagmulat ng mga mata
Sapinsaping kapanglawan
Tuliro, balisa, di alam ang gagawin
Nangangambang baka sa Dios
Isang araw ay mawalay
Pagkat pag asa ay tila tumakas din

CHORUS 1
Kaibigan wag kang bibitaw
Kaibigan kumapit lamang
Balikan mo ang dating Sigla
Sa paglilingkod sa Ama
Kapit ka lang, kumapit ka lang
May pagasa sa 'tiy laan
Kapit ka lang, kumapit kalang
Sa makapangyarihang kamay ng Ama

II
Kaming mga kaibigan mo
Handang dumamay sa Iyo
Tara na, halika at bumangon na
Iluha ang kalumbayan
Idulog kabalisahan
Sa Dios na Syang sa atin ay gumagabay.

CHORUS 2
Kaibigan wag kang bibitaw
Kaibigan Kumapit lamang
Pagsubok malalampasan
Sa Dios tayo ay tumiwala
Kapit kalang, kumapit kalang
May pagasa sa 'TIY laan
Kapit ka lang, kumapit ka lang
Sa makapangyarihang kamay ng Ama

Bridge
Nandirito kaming mga kaibigan mo
Di ka nag iisa, di ka nag iisa
Nandirito kaming mga kaibigan mo
Di ka nag iisa Dios ating kasama

Kaya’t

Repeat Chorus 2

Kapit kalang

Prompter generated by RAREAPPS: http://prompter.rareapps.org