Nagpapasalamat sa 'Yo sa kabutihan Mo
Naghahandog sa araw na ito
'Pagkat ang pag-ibig Mo ay 'di naglalaho
Hanggang ngayo'y damang-dama ng puso
Sa bawat aral Mong nagbibigay lakas
Sa pag-iingat Mo at pagliligtas
Hindi sapat ibayad ang aming buhay
Kaya't maglilingkod na tunay
CHORUS
Kami ngayo'y nag-aalay sa 'Yo't nagpapasalamat
Sa mga kabutihan Mong wagas sa aming lahat
Nagpapasalamat sa 'Yong mga pag-iingat
Kami'y Iyong binago
BRIDGE
O dinggin Mo ang awit, hibik at pagsamo ng bayan Mo
Ang aming dinadalangi'y mahabag Ka sa amin at lingapin Mo
Hanggang sa kawakasan at sa walang hanggan
Ika'y laging papupurihan
Nagpapasalamat sa 'Yo sa kabutihan Mo
Naghahandog sa araw na ito
'Pagkat ang pag-ibig Mo ay 'di naglalaho
Hanggang ngayo'y damang-dama ng puso
CHORUS
Kami ngayo'y nag-aalay sa 'Yo't nagpapasalamat
Sa mga kabutihan Mong wagas sa aming lahat
Nagpapasalamat sa 'Yong mga pag-iingat
Kami'y Iyong binago
Nilinis ang puso
Kaya't salamat sa 'Yo
Salamat sa 'Yo
Ama, Salamat sa 'Yo