I
Noon akala ko ang makapagpapasaya
Kayamanang dulot sa‘tin ng karangyaan
Noon akala ko ang makapagpapasaya
Dami ng kaibigan at katanyagan sa mundo
PRE-CHORUS 1
Hanggang ako ay nalugmok, nawala ang lahat
At nang magbangon, Panginoon, Ikaw ang nakita
CHORUS
Ikaw pala ang tunay na kagalakan
Aking Hesus, gabay ko at kanlungan
Ikaw pala ang tunay na katahimikan
Pangalang natatangi kanino man, Oh Hesus
Ang tunay na kaibigan magpakailanman, Hesus
II
Oo nga’t kailangan kayamanan sa mundo
Panandalian lamang ang lahat ng ito
PRE-CHORUS 2
Kaya’t salamat po Hesus, nakilala Kang lubos
Dahil Ikaw ang kapayapaan, tunay na ligaya
CHORUS
Ikaw pala ang tunay na kagalakan
Aking Hesus, gabay ko at kanlungan
Ikaw pala ang tunay na katahimikan
Pangalang natatangi kanino man, Oh Hesus
Ang tunay na kaibigan magpakailanman
BRIDGE
Ngayo’y nadarama Kita sa aking buhay
Ang Banal na Espiritu na ngayon ay nasa ‘kin
Nasa akin
CHORUS
Ikaw pala ang tunay na kagalakan
Aking Hesus, gabay ko at kanlungan
Ikaw pala ang tunay na katahimikan
Pangalang natatangi kanino man, Oh Hesus
CODA
Ang tunay na kaibigan
Ikaw pala Hesus
Ikaw pala
Ikaw pala, Hesus