I
Sa‘king paglalakbay
‘Di maiwasang magtanong
Kung ba’t kay buti Mo, Panginoon
At sa pagninilay-nilay
Marami nang nasasagot
Sa harap ng lahat ng pagsubok
Salita Mo ang sandata ko
PRE-CHORUS I
(Umiindak) Hindi ko mapigilan
(Sumisigaw) Kasabay ng padyak ay sasayaw
(Ang Iyong kumpas) Ang tanging aawitan ko
CHORUS
Dahil sa Iyo, natuto akong mabuhay ng may pagmamahal
At ang pagsunod sa Iyong salita ang siyang gabay
Dahil sa Iyo namulat ako
Sang-ayon sa’Yong paghahangad
Ngayo’y buo, ako ay buo
Dahil sa Iyo
II
Sa dami ng hadlang
Handa na ang pusong lito
Na tanggapin na Ikaw lang ang hari sa mundo
PRE-CHORUS I
(Umiindak) Hindi ko mapigilan
(Sumisigaw) Kasabay ng padyak ay sasayaw
(Ang Iyong kumpas) Ang tanging aawitan ko
CHORUS
Dahil sa Iyo, natuto akong mabuhay ng may pagmamahal
At ang pagsunod sa Iyong salita ang siyang gabay
Dahil sa Iyo namulat ako
Sang-ayon sa’Yong paghahangad
Ngayo’y buo, ako ay buo
Dahil sa Iyo
BRIDGE
Sa mga oras na sarili ang kalaban
Pag-ibig Mo O Dios ang tangi kong sandalan
Handa akong ipagsigawan ang ‘Yong ngalan
Dahil sa Iyo (Dahil sa Iyo)
Dahil sa Iyo natuto ako…
CHORUS
Dahil sa Iyo, natuto akong mabuhay ng may pagmamahal
At ang pagsunod sa Iyong salita ang siyang gabay
Dahil sa Iyo namulat ako
Sang-ayon sa’Yong paghahangad
Ngayo’y buo, ako ay buo
Dahil sa Iyo
CODA
Ama, ako ay buo dahil sa Iyo..