Buhay Ko ay Walang Kabuluhan
By Sis. Rhea Jane Lopez
I
Ama, ako Sayo ngayo’y lumalapit
Alipin Mong nagpupumilit
Nagsisisi’t humihingi ng awa at gabay
Sa bawa’t sandali nitong aking buhay
Koro
Pagka’t nararamdaman kong
Wala akong magagawa
Kahit isang saglit na Ika’y wala
Kaya’t wag Mo sanang iwan
Buhay ko ay mawawalang kabuluhan
II
Sa aking puso ay nararamdaman
Ang nasang magpatuloy at magpakasangkapan
Sa pinaka malaki na paraan
Tulutan Mong Sa’yo, ako’y manilbihan
Ulitin Koro
Ama alam kong di ako nararapat
Sa dami ng pagkukulang sa aking pagganap
Nguni’t ito lang ang nakikita kong paraan
Upang makasama ka sa walang hanggan
Ulitin Koro
Buhay ko ay mawawalang kabuluhan
Kung iyong iiwan