February 21, 2020

AL AIN – ANG LIGAYA NAMIN (Dakilang Lumalang)


Prompter View

Default Black Chroma White Save

Prompter View

Default Blue

Sa bawat paghakbang nitong aming mga paa
Sari-saring kahirapan ang nadarama
Dito sa sanlibuta’y aming maaasahan
Kalungkutan at kahirapan

Kaya’t nagtitibay sa aral na ikababanal
Na aming tinanggap sa 'Yo, O Dios Amang banal
Upang aming kamtin ang buhay na inaasam
Ligayang walang hanggan

Ang awa Mo ang tangi naming pagasa
Sa hirap na aming binabata
Mga pasan nitong kaluluwa
Ay dagli namang nawawala

Ang ligaya namin ay awitan Ka
Ng awit papuri, tinig ng pagsasaya
Kahit na hinahamak kami'y nagagalak
Pagkat ito’y tanda lang ng aming pagkaligtas

Bagong awit na aming inihanda
Hain na banal at mabubuting mga gawa
Kayat ngayo’y naririto kami’y nahahanda
Upang mag-alay ng pagpupugay
Pasasalamat sa Dakilang Lumalang

Mga dating buhay namin ay tinalikuran
Mula nang makilala ang banal Mong katwiran
Mga kasamaan at layaw ng sanlibutan
Ay ‘Yong binihisan

Ang awa Mo ang tangi naming pagasa
Sa hirap na aming binabata
Mga pasan nitong kaluluwa
Ay dagli namang nawawala

Ang ligaya namin ay awitan Ka
Ng awit papuri, tinig ng pagsasaya
Kahit na hinahamak kami'y nagagalak
Pagkat ito’y tanda lang ng aming pagkaligtas

Bagong awit na aming inihanda
Hain na banal at mabubuting mga gawa
Kayat ngayo’y naririto kami’y nahahanda
Upang mag-alay ng pagpupugay
Pasasalamat sa Dakilang Lumalang

At doon sa Bayang Banal ay aming matatanaw
Buhay na 'di mapaparam
Kagalakang 'di magwawakas ang aming madarama
Sa piling Mo lang matatagpuan, masisilayan

Ang ligaya namin ay awitan Ka
Ng awit papuri, tinig ng pagsasaya
Kahit na hinahamak kami'y nagagalak
Pagkat ito’y tanda lang ng aming pagkaligtas

Bagong awit na aming inihanda
Hain na banal at mabubuting mga gawa
Kayat ngayo’y naririto kami’y nahahanda
Upang mag-alay ng pagpupugay
Pasasalamat sa Dakilang Lumalang

Pasasalamat sa Dakilang Lumalang


Fatal error: Uncaught ArgumentCountError: Too few arguments to function mom_posts_share(), 1 passed in /home/bookme08/prompter.rareapps.org/wp-content/themes/child-theme/single.php on line 275 and at least 2 expected in /home/bookme08/prompter.rareapps.org/wp-content/themes/mnews/framework/functions/posts_share.php:2 Stack trace: #0 /home/bookme08/prompter.rareapps.org/wp-content/themes/child-theme/single.php(275): mom_posts_share('http://prompter...') #1 /home/bookme08/prompter.rareapps.org/wp-includes/template-loader.php(77): include('/home/bookme08/...') #2 /home/bookme08/prompter.rareapps.org/wp-blog-header.php(19): require_once('/home/bookme08/...') #3 /home/bookme08/prompter.rareapps.org/index.php(17): require('/home/bookme08/...') #4 {main} thrown in /home/bookme08/prompter.rareapps.org/wp-content/themes/mnews/framework/functions/posts_share.php on line 2